top of page

FORTIFIED RICE Tinanggap ng mga residente ng Barangay Tambo at Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, na benepisyaryo ng SECURE Program sa pangunguna ng MSSD, WFP

  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), katuwang ang World Food Programme (WFP) at ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura, ang pamamahagi ng fortified rice na ginanap sa Municipal Gymnasium ng nasabing bayan, Marso a-20.


Layunin ng Sustainable Environment Community Upliftment and Resiliency (SECURE) Convergence Programme ng Bangsamoro Food Security Task Force (BFSTF) na mapabuti ang food security sa rehiyon at mapatatag ang kakayahan ng mga komunidad laban sa epekto ng pagbabago ng klima.


Katuwang ng MSSD sa implementasyon ng programa ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), at iba pang kaugnay na ahensya ng pamahalaan at development partners.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page