top of page

Fragmentation grenade, natagpuan sa loob ng female comform room ng isang paaralan sa Cotabato City

  • Teddy Borja
  • Aug 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagdulot ng takot at alarma ang pagkakadiskubre ng isang fragmentation hand grenade sa loob ng female comfort room ng STI College Cotabato, Biyernes ng gabi, August 22.


Ayon sa ulat ng Police Station 1, isang utility personnel ng STI College ang agad na nag-report matapos mapansin ang isang unattended box na may nakitang wiring sa loob ng female comfort room sa ground floor ng naturang paaralan.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng City Explosive and K9 Unit matapos ipagbigay-alam ng Police Station 1 ang insidente. Sa ginawang safety procedure ng Special Explosives and Ordinance team, natuklasang ang laman ng kahon ay isang high-explosive fragmentation grenade.


Mabilis na na-dispose at narekober ang granada ng K9 Unit, at kasalukuyan itong nasa kanilang kustodiya.


Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, partikular sa pamamagitan ng pag-review ng mga CCTV footages sa paligid ng paaralan upang matukoy ang posibleng salarin.


Sa ngayon, wala pang suspect na nahagip ng kamera. Dagdag pa ng mga pulis, wala ring staff o estudyanteng nasa loob ng STI College sa oras ng insidente, maliban sa utility personnel na nakakita ng kahon.


Ayon sa Police Station 1, inaalam pa nila ang motibo sa likod ng pagkakalagay ng granada sa loob ng paaralan. Patuloy ang kanilang masusing pagsusuri upang matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente at ang posibleng dahilan nito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page