FREE IFTAR MEAL Handog ng tanggapan ni Member of Parliament Ishak Mastura sa mga residente ng 7 barangay sa Sultan Kudarat
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang free iftar meal distribution, araw ng Lunes sa mga residente ng barangay Banatin, Panatan, Damaniog, Ibotigen, Kakar, Katidtuan, at Narra.
Bahagi ito ng taunang programa ng tanggapan ni MP Ishak Mastura upang magbigay-suporta sa komunidad sa panahon ng Ramadan at makatulong sa mga pamilyang nag-aayuno.
Nagsimula ang pamamahagi ng libreng iftar meal kahapon Marso 2 at magpapatuloy hanggang Marso 6, 2026.
Layon ng programa na palakasin ang diwa ng pagkakaisa, pagbabahagi, at malasakit sa komunidad sa panahon ng banal na ramadan.



Comments