FREE MEDICAL MISSION Isinagawa ng Project TABANG sa Upi, Maguindanao del Norte, kung saan 692 indibidwal ang naka benepisyo
- Apr 16
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang two-day medical mission at free medicine distribution ng Project TABANG sa Upi, Maguindanao del Norte noong April 13 at 14, 2026.
Kasama sa serbisyo ang libreng gamot, basic health consultations, at iba pang medical services.
Noong April 13, 2026, isinagawa ang medical mission sa Barangay Bugabungan kung saan 326 residente ang nabigyan ng medical assistance, kabilang ang 228 babae at 98 lalaki.
Sumunod noong April 14, 2026, isinagawa ang outreach sa Barangay Blensong kung saan 366 indibidwal ang nabigyan ng serbisyo, kabilang ang 212 babae at 154 lalaki.
Ito ay sa ilalim ng Serbisyong Ayudang Medikal (SAM) ng Project TABANG sa pangunguna ng Project Manager na si Brahim Lacua.
Ang distribusyon ng libreng gamot ay pinangasiwaan ng Health Ancillary Services sa pamumuno ni Sittie Majadiyah Omar.



Comments