top of page

General Appropriations Act para ngayong taong 2026 na nagkakalaga ng PhP6.793 trillion, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH


Kabilang dito ayon sa Pangulo ang mas maayos na edukasyon, mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan, mas matibay na suporta sa mga magsasaka, pinalakas na social services, at mas maraming oportunidad sa trabaho.


Ayon sa Presidential Communications Office, pinagtibay ni Pangulong Marcos Jr. ang PhP6.793 trilyong General Appropriations Act para sa 2026 na inuuna ang kapakanan ng bawat Pilipino at mahigpit na pananagutan sa paggastos ng pondo.


Binigyang diin ng Pangulo na edukasyon at kalusugan ang tumanggap ng pinakamalaking bahagi ng badyet, habang tiniyak ang transparency, pagbawal sa political patronage, at pagbabantay sa paggamit ng bawat pisong buwis para sa tunay na pangangailangan ng bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page