Give Heart Program ng Maguindanao del Sur Provincial Government, patuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga residente ng lalawigan
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Daan-daang mga residente ang nakabenepisyo sa isinagawang pagbisita ng Give Heart Program ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, araw ng Huwebes, sa bayan ng South Upi.
Inihatid sa mga residente na karamihan ay mga kababayang Indigenous Peoples ang iba’t-ibang serbisyo tulad medical outreach program, dental care, libreng gupit, incision services at libreng gamot.
Namahagi rin ang groupo ng tsinelas, school arm chairs at nabigyang din ng kasiyahan ang mga bata sa handog na Jollibee meals bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng malasakit at pagbibigay ng ngiti sa mga batang IP learners.
Ang Give Heart Program ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ay patuloy ang pagdadala ng mga proyektong nagbibigay pag-asa, kalusugan at inspirasyon sa mga liblib na bahagi ng lalawigan.



Comments