top of page

GO BAG AT ASSISTIVE DEVICES Ipinamahagi ng MSSD sa mga community responder at PWDs sa bayan ng Tabuan Lasa, Basilan

  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


74 na community responders ang nakatanggap ng mga duffel bag na naglalaman ng mahahalagang kagamitang pang-emergency, kabilang ang solar lamp o flashlight, radyo, pito, lubid, collapsible water container, document bag, at kumpletong first aid kit sa isinagawang distribusyon ng MSSD Basilan sa Tabuan Lasa, noong Marso 29, 2026.


Samantala, 10 barangay rescuers naman ang pinagkalooban ng mga backpack na may lamang manual resuscitator o ambu bag, CPR kit, bleeding control kit, tactical tourniquet, chest seal, raincoat, bota, at iba pang kagamitang mahalaga sa pagtugon sa mga emergency.


Bago ang pamamahagi, pinangunahan ng Ungkaya Tabuan Lasa MDRRMO ang orientation at aktwal na demonstrasyon sa wastong paggamit ng mga kagamitang laman ng emergency go bags upang matiyak ang kahandaan at tamang paggamit ng mga ito ng mga lokal na responder.


Sa hiwalay namang aktibidad na ginanap sa Barangay Bukot Umos Covered Court, apat na persons with disabilities ang nakatanggap ng mga assistive device gaya ng quad cane, blind stick, wheelchair, at crutches. Bukod dito, personal ding inihatid ng MSSD ang isang quad walker para sa isang senior citizen sa Sitio Tinutungan, Barangay Bukot Umos.


Layunin ng nasabing pamamahagi ayon sa MSSD na higit pang palakasin ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna at magbigay ng kinakailangang suporta sa mga sektor na nangangailangan ng espesyal na tulong.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page