Gokongwei Group, bumisita sa Pasalubong Center ng Maguindanao del Sur; Lokal na produkto at kultura, i tinampok
- Diane Hora
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sa nasabing pagbisita, itinampok ang iba’t ibang produktong likha ng mga lokal na negosyante—mula sa pagkaing tradisyunal hanggang sa mga produktong may identidad ng Bangsamoro—na sumasalamin sa kasipagan at pagkamalikhain ng mga komunidad sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga opisyal, ang ganitong uri ng ugnayan sa pagitan ng pribadong sektor at pamahalaang lokal ay mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang suporta sa mga maliliit na negosyante at mapalawak ang merkado ng lokal na produkto.
Ito rin ay nagsisilbing inspirasyon ayon sa provincial government sa patuloy na pag-angat ng kabuhayan at paghubog ng mas inklusibong ekonomiya sa lalawigan.
Binigyang-diin ng pamahalaang panalalawiga na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas napapalakas ang kakayahan ng mga lokal na komunidad na makipagsabayan at magtagumpay, habang pinangangalagaan ang kultura at identidad ng Maguindanao del Sur.
Ang pagbisita ng Gokongwei Group sa Pasalubong Center ay patunay na ang suporta sa lokal—mula produkto hanggang tao—ay susi sa pangmatagalang kaunlaran at sama-samang pag-unlad ng lalawigan.



Comments