top of page

GOLD BAR SCHEME, Nabisto ng pulisya matapos umanong manloko gamit ang pekeng gold bar; Dalawang indibidwal, arestado

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ng pulisya ang dalawang indibidwal matapos umanong manloko gamit ang pekeng gold bar sa isang transaksyon.


Arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Vincent”, at alyas “Roger”, kapwa residente ng Barangay Centro 7, Cleveria, Cagayan, matapos ireklamo ng mga biktima kaugnay sa umano’y pekeng bentahan ng ginto.


Batay sa paunang imbestigasyon, humingi umano ang mga suspek ng halagang Php500,000.00 kapalit ng isang gold bar na nagkakahalaga umano ng Php7 milyon. Nakapagpadala na ang mga biktima ng kabuuang Php53,000.00 bago nila nadiskubre na hindi tunay ang nasabing ginto.


Agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Claveria Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. Narekober mula sa kanilang pag-iingat ang isang pekeng gold bar na may markings, marked money, dalawang mobile phones, at mga identification cards.


Mahaharap ang mga suspek sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.


Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng mga suspek sa kahalintulad na transaksyon sa ilang bahagi ng Isabela para sa posibleng dagdag na kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page