Gov. Datu Ali Midtimbang, nakibahagi sa launching ng Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity kasama si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at iba pang opisyal
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi lang simpleng ceremonial launch para kay Governor Datu Ali Midtimbang ang Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity.
Ipinakita aniya sa pagtitipon ang iisang direksyon ng mga lider ng Bangsamoro, ito ay ang palakasin ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng mga komunidad sa buong rehiyon.
Sa pahayag ng gobernador, ang Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity ay ginagabayan ng bisyon ng isang mapayapa, inklusibo, at matatag na Bangsamoro kung saan iginagalang ang dignidad ng bawat isa, pinahahalagahan ang pagkakaisa, at isinusulong ang katarungang panlipunan.
Layunin nitong maabot ang kaunlaran sa buong Bangsamoro Region.
Kabilang sa mga pangunahing adhikain ng inisyatiba ayon sa opisyal ay ang pagpapalakas ng peacebuilding at reconciliation, pagpapalalim ng social cohesion at solidarity, paghikayat sa aktibong partisipasyon ng komunidad, at pagsusulong ng kabuhayan at human development. Kasabay nito, binibigyang-diin din ang mabuting pamamahala, pananagutan, at paggalang sa karapatan ng mamamayan.
Sa kabuuan, ang Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity ayon kay Governor Midtimbang ay malinaw na pahayag ng matibay na paninindigan ng Bangsamoro Government—na ang kapayapaan, pagkakaisa, at sustenableng kaunlaran ay dapat maramdaman ng lahat, sa bawat komunidad ng Bangsamoro.



Comments