top of page

Gov. Hataman, hands-on sa pagrepaso ng mga operational plan para sa mas mabilis na disaster response sa Basilan

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Hands-on na pinangunahan ng gobernador ang calibration ng mga plano ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Veterinary Office (PVET), at Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) upang matiyak na tama ang direksyon, makatotohanan ang mga target, at ganap na handa ang bawat opisina bago pa man dumating ang anumang emergency, pangangailangan, o krisis.


Sa naturang aktibidad, ipinresenta ni Lubna Salahuddin ang PDRRMO Operations Plan, habang si Anwary Akalun naman ang naglahad ng PSWDO Operations Plan. Ibinahagi rin ni Dr. Sharmin Aguisanda Tutuh ang PVET Operations Plan, at ni Alexis Cotales ang OPAG Operations Plan.


Nakiisa rin sa calibration sina Mojaheden Cosain, Faija Jacaria, Majad Daggong, Manny Muarip, at PDC Minsara Muarip. Ang buong pagsasanay at talakayan ay pinangasiwaan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO).


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng inisyatibang ito na mas mapabilis ang pagtugon ng gobyerno, maging mas malinaw ang accountability ng bawat tanggapan, at higit na maramdaman ng mamamayan ang agarang aksyon ng pamahalaan tuwing may emergency sa lalawigan ng Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page