Gov. Mastura at Ustadz Delna, nakipagpulong kay ICM Macacua; Moral Governance at kapayapaan, tinalakay
- Diane Hora
- Dec 16
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa pulong sina Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura at Interim Chief Minister Abdulraof Macacua kasama si Ustadz Sheikh Abdulfatah Delna sa isang courtesy visit na naglalayong patatagin ang ugnayan ng mga lider para sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro.
Sa isinagawang pag-uusap, binigyang-diin ang kahalagahan ng moral governance, shared leadership, at ang pagpapanatili ng mga nakamit ng peace process para sa kapakanan ng mamamayan.
Ayon kay ICM Macacua, ang ganitong uri ng dayalogo ay mahalaga upang mapalakas ang tiwala, pagkakaisa, at kolektibong pananagutan ng mga lider sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.
Dagdag pa ni ICM Macacua, magpapatuloy ang pagtatatag ng isang gobyernong nakaugat sa pananampalataya, integridad, at serbisyo, bilang bahagi ng adhikaing Gobyernong Diretso Serbisyo tungo sa #MasMatatagNaBangsamoro.



Comments