top of page

Gov. Mujiv Hataman, COMELEC Basilan, tinalakay sa pulong kung paano mapapaigting ang koordinasyon, pagtutulungan at pagkakaisa

  • Diane Hora
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH



Bilang pagpupugay sa mga kawani ng institusyong nagtataguyod ng demokrasya at sandigan ng karapatang bumoto ng mamamayan, hinarap ni Gov. Mujiv Hataman ang COMELEC Basilan sa isang courtesy visit sa Basilan Provincial Capitol, araw ng Miyerkules, Enero 14, 2026.


Pinangunahan ang delegasyon ng COMELEC Basilan ni Provincial Election Supervisor Atty. Roberto Dela Pena, kasama sina Isabela City Election Officer Atty. Mohaimen Ali at Tuburan Municipal Election Officer Mary Ann Muarip Limbo.


Sa pagpupulong, naging sentro ng talakayan kung paano pa mas mapapaigting ang koordinasyon, pagtutulungan, at pagkakaisa ng mga ahensya upang masiguro ang isang mapayapa, malaya, at kredibleng halalan sa lalawigan.


Binigyang-diin din na sa pagsisimula ng bagong taon, may renewed commitment sa public service ang pamahalaang panlalawigan—isang panata ng buong #TeamKapitolyo sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Hataman—na patuloy na susuporta sa mga inisyatiba ng COMELEC para sa kapakanan ng mga botanteng Basilenyo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page