Gov. Mujiv Hataman, dumalo sa madrasah graduations sa Basilan; Suporta sa Islamic education, pinagtibay
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Ma’had Basilan Al Islamie sa Kaumpurnah, Zone II, Isabela City, nakasama ng gobernador sina Mayor Sitti Djalia “Dadah” Turabin-Hataman at Ahmed Ibn Djaliv Hataman sa pagkilala sa mga nagsipagtapos, sa harap ng mga magulang, guro, mga ulama, at lider ng komunidad.
Matapos nito, nagtungo rin si Gov. Mujiv sa Ma’had Al-Uthaimeen Al Islamie sa bayan ng Tuburan, kasama sina Durie Kallahal, Anthony Caro, at Ping Kasim.
Sa kanyang mensahe, binati ng gobernador ang mga graduates at pinuri ang kanilang tiyaga at pagsisikap. Pinaalalahanan din niya na ang madrasah ay hindi lamang tungkol sa akademikong kaalaman, kundi sa paglinang ng mabuting asal, matibay na paninindigan, at responsableng paglilingkod sa kapwa at sa komunidad.
Ayon kay Gov. Mujiv, kapag matibay ang pananampalataya at pinahahalagahan ang edukasyon, mas nagiging maliwanag at masagana ang kinabukasan ng kabataan—at mas matatag ang buong komunidad.



Comments