top of page

Gov Mujiv Hataman, pinuri ang PNP Basilan sa maayos na holiday peace and order, mas pinalakas na koordinasyon sa 2026

  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH


Nag–New Year’s courtesy call kay Governor Mujiv Hataman ang mga matatas na opisyal ng Provincial Director ng PNP Basilan, kasama ang mga hepe ng iba’t ibang police stations sa buong lalawigan.


Inihayag ng PNP Basilan ang kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan at talakayin ang mas pinatibay na koordinasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ngayong taong 2026.


Pinuri ni Governor Hataman ang maayos na pagpapatupad ng peace and order operations noong holiday season, gayundin ang mabilis na pagresponde ng pulisya sa mga insidente ng hidwaan, partikular sa bayan ng Tipo-Tipo.


Ayon sa gobernador, mahalaga ang tuloy-tuloy na disiplina sa kalsada, mas pinaigting na proteksyon sa mga komunidad, at paggamit ng intel-driven operations upang mapanatiling tahimik at ligtas ang bawat barangay sa lalawigan.


Binigyang-diin din na ang epektibong ugnayan ng lokal na pamahalaan at kapulisan ay susi sa mas matatag na kapayapaan at kaayusan, na may direktang epekto sa kaligtasan ng mamamayan at kaunlaran ng lalawigan.


Sa mas ligtas na komunidad, mas nagiging kumpiyansa ang negosyo at mas napoprotektahan ang bawat pamilya—isang layuning patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Basilan katuwang ang kapulisan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page