top of page

GOVERNMENT EMPLOYEE, ARESTADO Sa ikinasang police operation ng awtoridad sa Koronadal City na nahaharap sa kasong rape

  • Mar 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang naaresto sa alyas na “James”, 49 taong gulang, may asawa, isang government employee at residente ng Barangay Sta. Cruz, Koronadal City.


Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code na inilabas ng Regional Trial Court sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong March 3, 2026.


May inirekomendang piyansa na ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Tacurong City Police Station at Koronadal City Police Station.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit ang suspek para sa documentation at kaukulang disposisyon bago i-turnover sa korte na naglabas ng warrant.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page