Government employee, arestado sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Kidapawan City, Cotabato; Mahigit ₱68K na halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyo
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Isang empleyado ng gobyerno ang inaresto matapos masakote sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱68,000.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Jay,” 50 anyos, binata, at empleyado ng Kidapawan City Water District.
Sa operasyon, nakumpiska ang tinatayang 10.1 na gramo ng hinihinalang shabu, gayundin ang marked buy-bust money, isang itim na pouch, at isang cellphone.
Batay sa rekord, ang suspek ay nasa ilalim ng preventive suspension nang walang sahod sa loob ng isang taon simula Pebrero 2, 2026, kaugnay ng hiwalay na kasong administratibo. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa wastong dokumentasyon at inquest proceedings.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Article 151 ng Revised Penal Code.
Ang isinagawang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Cotabato Provincial Office, katuwang ang Kidapawan City Police Station at Cotabato Provincial Police Office–Drug Enforcement Unit



Comments