top of page

Government ng MagSur sa makapagtuturo sa taong responsable sa pamamaslang sa isang IP leader sa bayan ng Datu Hoffer

  • Diane Hora
  • Oct 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa emergency meeting na ipinatawag ni Governor Datu Ali Midtimbang, araw ng Huwebes ipinag-utos ang agarang hakbang hinggil sa pagresolba sa kaso ng pamamaslang kay Ramon Lupos, isang IP leader sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.


Binigyang diin ni Gov. Midtimbang na hindi nito pahihintulutan ang anumang itsura ng karahasan sa kanilang lalawigan. Hindi rin umano hahayaan ng gobernador na makaranas ng oppression ang mga kababayan nating IP.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga agarang hakbang para sa seguridad, mabilis na imbestigasyon, at pagbibigay-katarungan sa mga biktima. Binigyang-diin din ang mas matibay na ugnayan at koordinasyon ng LGU, PNP, AFP, at komunidad upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang pag-ulit ng kahalintulad na insidente.


Magbibigay din ng 100,000 pesos na pabuya si Governor Midtimbang sa magkapagtuturo sa taong nasa likod ng pamamaslang sa IP leader.


Pinagtibay ni Gov. Midtimbang na nananatiling pangunahing tungkulin ng Pamahalaang Panlalawigan ang kapayapaan at katiwasayan ng bawat pamayanan.


Sa ilalim ng pamumuno ng gobernador, isinusulong umano nito ang hakbang na makatao at makabuluhan, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pagbabago at pagpapatatag ng probinsya.


Dumalo sa pagpupulong sina Datu Hoffer Municipal Mayor Bai Kristina Ampatuan-Samama, Police Captain Beatriz Taiza, Chief of Police ng Datu Hoffer, at Lt. Col. Loqui Marco ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Nakiisa rin ang mga barangay officials, Indigenous Peoples (IP) leaders, at pamilya ng mga biktima upang maiparating ang kanilang saloobin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page