Governor Datu Ali Midtimbang, nanawagan ng pagkakaisa sa ika-7 Foundation Day ng Bangsamoro
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Sa kanyang talumpati na binigkas sa wikang Maguindanaon, hinikayat ni Gov. Midtimbang ang lahat ng Bangsamoro na ipakita ang pagkakaisa at pagkakasundo sa pamamahala ng Bangsamoro Autonomous Region.
Inihatid ng gobernador ang kanyang mensahe sa kick-off ceremony ng ika-7 Bangsamoro Founding Day na ginanap ngayong araw sa OCM Grounds, Bangsamoro Government Center.
Binigyang-diin ni Gov. Midtimbang na ang tunay na lakas ng awtonomiya ay nagmumula sa sama-samang pagkilos ng mga lider at mamamayan—na may iisang layunin para sa kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng rehiyon.
Ayon sa gobernador, ang pagkakaisa sa pamamahala ay mahalagang susi upang mas maging epektibo ang mga programa ng pamahalaang Bangsamoro at mas maramdaman ng mamamayan ang benepisyo ng awtonomiya.



Comments