Governor Reynaldo Tamayo Jr., pinangunahan ang medical team sa pagtulong sa mga apektado ng lindol sa Cebu
- Diane Hora
- Oct 2
- 1 min read
iMINDSPH

Si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr at ang medical team ng provincial government ang isa sa mga unang responder sa lalawigan ng Cebu na niyanig ng 6.9 magnitude na lindol.
NANGUNA SA PAGTULONG
Governor Reynaldo Tamayo Jr., pinangunahan ang medical team sa pagtulong sa mga apektado ng lindol sa Cebu
Kasama ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa pagtungo sa Cebu ang tatlong doktor, pitong nurse at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) officer.
Agad nagtungo ang opisyal at team nito kinabukasan matapos ang nangyaring lindol. Alas 9 ng gabi nang marating ng grupo ang Medellin.
Dalawang truckloads ng relief goods naman mula sa mga taga South Cotabato ang parating na rin sa lalawigan para sa pamamahagi ng tulong.
Si Governor Tamayo ang kasalukuyang pangulo ng League of Provinces of the Philippines.



Comments