Grand Procalamation Rally, ikakasa bukas ng UBJP sa Cotabato State University
- Diane Hora
- Aug 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sa unang araw ng pagsisimula ng campaign period para sa BARMM Parliamentary Elections, na itinakda, bukas, August 28-
Ikakasa ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang Grand Proclamation Rally sa Cotabato State University.
Ayon sa UBJP, opisyal na ipipresenta ng partido ang kanilang campaign platforms, party nominees at district representative candidates.
Magsisimula ito ala 1:00 ng hapon kung saan inaasahang magbibigay ng mensahe ang mga lider ng partido at nominees na pangungunahan ni UBJP President at No. 1 party nominee Ahod “Al Hajj Murad” Ebrahim.
Ang campaign period ay magtatapos sa October 11, 2025.



Comments