top of page

GROCERY PACKS Tinanggap ng mahigit-kumulang 5,000 Ummahat at Asatidz sa bayan ng Sultan Kudarat ngayong ramadan

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Naisakatuparan ang inisyatiba sa pagtutulungan nina Congresswoman Bai Dimple Mastura, Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar Mastura, at Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura.


Isinagawa ang distribusyon, araw ng Biyernes, February 27 sa Municipal Gymnasium ng Sultan Kudarat.


Ayon sa tanggapan ng kongresista, patunay ito ng pagkakaisa sa paghahatid ng tulong sa mga pamilya ngayong ramadan.


Taon-taon, nananatiling tradisyon ng kanilang pamunuan ang maglaan ng ganitong suporta tuwing banal na buwan, bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap at bilang pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang kaakibat ng pananampalatayang Islam.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page