top of page

Groundbreaking ng Tupi IT Park, isinagawa na; Proyekto, tiyak na magbubukas umano ng maraming trabaho, oportunidad at investment sa probinsya ng South Cotabato

  • Diane Hora
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Opisyal nang isinagawa ang groundbreaking ng Tupi IT Park. Pinangunahan ito ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.


Ayon sa gobernador, ang proyekto ay tiyak umano na magbibigay ng maraming trabaho, oportunidad at investment sa probinsya ng South Cotabato.


Dagdag ng opisyal, hindi lamang ito imprastruktura, kundi isang maliwanag na bukas para sa mga susunod na henerasyon ng lalawigan.


Patuloy umano siyang magsusumikap para gawing realidad ang mas moderno at mas maunlad na South Cotabato!

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page