top of page

GSKP, tinanghal na kampeon sa isinagawang Provincial Poster with Slogan Making Contest 2025 ng Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Kulayan ang Kapayapaan: Poster at Slogan Making Contest 2025


Bahagi ito ng makulay na pagdiriwang ng ikatlong taong pagkakatatag ng lalawigan at pakikiisa sa National Peace Consciousness Month 2025.


Idinisenyo ang patimpalak para sa mga junior high school students mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan upang maipahayag nila ang kanilang pangarap, ideya, at panawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa pamamagitan ng sining at malikhaing pagpapahayag.


Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral ng General Salipada K. Pendatun.


1st runner-up naman ang mga mag-aaral mula sa Bayan ng Datu Piang at second runner-up ang mga mag-aaral mula sa Bayan ng Buluan


Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, lahat ng kalahok ay tumanggap ng cash prizes, sertipiko ng partisipasyon, at food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan.


Ayon kay Governor Datu Ali Midtimbang, ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng paninindigan ng pamahalaan na bigyang kapangyarihan ang kabataan, palakasin ang kulturang malikhaing Bangsamoro, at higit sa lahat, itaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa bilang pundasyon ng isang maunlad na pamayanan.


Sa pagtatapos ng programa, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa lahat na ipagpatuloy ang pagtutulungan sa pagbuo ng isang mapayapa, malikhain, at maunlad na Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page