GURO, HINIMATAY HABANG NANONOOD NG TAEKWONDO GAME Sa BARMMAA 2026 sa Parang, Maguindanao del Norte; biktima, kasalukuyang nasa Intensive Care Unit ng CRMC
- Apr 16
- 1 min read
iMINDSPH

Dito sa lobby ng Iranun Palace sa Parang, Maguindanao del Norte, isinagawa ang taekwondo game, kahapon ng hapon.
Dito sa bahaging ito nanonood ang guro na isang technical official ng taekwondo, bago ito nahilo at nahimatay.
Napag-alaman ng opisyal na masama umano ang pakiramdam ng guro kaya hindi na ito nag-officiate.
Dagdag pa ni Dr. Mangkabung, matagal na umanong technical official ang guro at kasalukuyang school head sa isang elementary school sa Basilan, BARMM.
Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang guro sa Cotabato Regional and Medical Center kung saan siya ay naka-admit sa Intensive Care Unit o ICU.
Nagpadala na rin umano ng team ang Schools Division Office upang tutukan ang kalagayan nito at makipag-ugnayan sa pamilya.
Araw ng Linggo, April 12, isang 10-taong gulang na batang atleta mula Lamitan City, Basilan ang pumanaw matapos ding mahimatay habang kumakain naman ng hapunan.
Araw ng Linggo,nang magsimula ang BARMMAA 2026 sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte at magtatapos bukas.



Comments