top of page

Guro mula sa Sharif Awliya Academy, nagbigay ng tips sa kapwa guro na dapat mula sa puso o magsimula sa damdamin ang pagbabahagi ng kwento sa mga mag-aaral

  • Diane Hora
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naniniwala si Norhanie Tiago, guro mula sa Sharif Awliya Academy, na ang mahusay na storytelling ay nagsisimula sa damdamin.


Aniya gawing relatable sa mga bata ang mga kwento at gawing simple ang mga komplikadong ideya ayon pa kay Teacher Norhanie.


Hinihikayat niya ang mga guro na unahin ang emosyon. Sa pagbabahagi ng mga kwento ng tagumpay o pagsubok, dapat buhayin ang mga karakter — hayaang sila ay tumawa, umiyak, at magbago, tulad ng mga mag-aaral.


Dagdag ni Teacher Norhani, mahalaga na i-humanize ang mga karakter, sapagkat ang pagbubuo ng koneksyon sa emosyon aniya ay pumupukaw ng curiousity, nagpapalalim ng ugnayan, at ginagawang mas hindi malilimutan ang pagkatuto.


Ayon kay Teacher Norhanie, paalala ito na hindi lamang tungkol sa aralin ang pagtuturo — kundi kung paano mo pinaparamdam sa mga bata ang halaga habang sila ay natututo.


Bilang bahagi ng National Teachers’ Month, tampok ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) at ng Australian Government, sa pamamagitan ng Education Pathways to Peace in Mindanao (Pathways) program, ang mga top tips mula sa mga guro sa BARMM.


Nakatuon ang Pathways sa maagang edukasyon bilang pundasyon ng habambuhay na pagkatuto at pag-unlad, at bilang ambag sa peacebuilding sa pamamagitan ng inklusibong reporma at pagtugon sa mga kakulangan sa edukasyon.


Bilang suporta, tumutulong din ang Pathways sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga guro sa pamamagitan ng Learning Action Cell (LAC) sessions, na nagiging daan upang maibahagi ng mga bihasang guro ang mga epektibong pamamaraan — mula sa estratehiya sa loob ng klase hanggang sa mas inklusibong gawi sa paaralan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page