top of page

HABAL-HABAL DRIVER, ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa Cotabato City

  • Apr 8
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Cotabato City —

Isang habal-habal driver na high-value individual ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Rosary Heights 9. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Kwenz”, 50 taong gulang, may asawa, at residente ng Rosary Heights 10.


Bandang alas-6:30 ng gabi nang isagawa ng SDET ng Police Station 2, kasama ang CPDEU-CCPO, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.


Nahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa poseur buyer na nagkakahalaga ng ₱500, na may tinatayang bigat na 0.08 gramo.


Sa isinagawang body search, narekober din ang marked money na ginamit sa operasyon.


Ang suspek ay kasalukuyang sumasailalim sa drug testing, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa Regional Forensic Unit para sa laboratory examination.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page