Habal-habal driver na street-level drug personality, arestado sa buy-bust operation; Hinihinalang ilegal na droga at marked money, nakumpiska
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang habal-habal driver na street-level drug personality matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya Barangay Rosary Heights 13.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Tots”, 28 taong gulang, may asawa, habal-habal driver at residente ng Mabini Street, Bagua 3, Cotabato City.
Matapos ang transaksyon sa buy-bust operation, agad na inaresto ang suspek at narekober ang hinihinalang ilegal na droga at marked money.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.



Comments