Habal-habal driver, timbog sa buy-bust operation sa PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City
- Teddy Borja
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang habal-habal driver matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad.
Tiklo ang suspek na kinilala sa alyas na “Boyet”, 42 taong gulang, may asawa, isang habal-habal driver at residente ng PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City.
Bandang alas-2:15 ng hapon ng isinagawa ang drug buy-bust operation.
Isinagawa ang operasyon ng City Police Drug Enforcement Unit na pinamunuan ni PLT Patricia Bueno, CPDEU OIC, katuwang ang Police Station 1, City Intelligence Unit-CCPO, City Mobile Force Company, at PDEA-BARMM, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director.



Comments