top of page

HADIYA Handog ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar Mastura mga Ustadz at Ustadza sa bayan

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Taos-pusong pinaabot ni Mayor Datu Shameem Mastura ang pagpupugay at pasasalamat sa mga Ustadz at Ustadza mula sa iba’t ibang madrasa sa bayan.


Ngayon ramadan, personal niyang inihandog ang munting hadiya bilang pagkilala sa kanilang walang sawang dedikasyon sa pagtuturo ng Qur’an, mabuting asal, at tamang landas sa ating kabataan.


Hindi man aniya masukat ng anumang regalo ang sakripisyo at tiyaga na inilalaan ng mga ustadz at ustadza sa araw-araw, nawa’y magsilbi umanong munting pasasalamat at inspirasyon ang kanyang tulong upang lalo pang maipagpatuloy ng mga ito ang marangal na tungkulin bilang mga gabay sa komunidad.


Sa diwa ng Ramadhan, nawa’y patuloy aniyang magtulungan para sa mas matatag, maka-Diyos, at maunlad na pamayanan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page