Halos 29,000 residente ng Basilan, nakabenepisyo sa isinasagawang Raayat Day ng provincial government sa unang 100 araw na pamumuno ni Governor Mujiv Hataman
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Sa unang isang daang araw sa panunungkulan ni Governor Mujiv Hataman sa lalawigan ng Basilan, apat na munisipyo na ang tinungo nito kung saan isinagawa ang Raayat Day at 28,962 beneficiaries na ang naka avail ng iba’t ibang basic services.
Ito ang isa sa mga laman ng talumpati sa Governors’ report na isinagawa ngayong araw.
Ang Raayat Day ay programa na dinisenyo para mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa taumbayan mula sa medical at dental assistance, civil registration at livelihood support na direktang inihahatid sa mga liblib na lugar sa lalawigan.



Comments