top of page

HALOS ₱3-M SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT Matapos abandonahin ang isang truck sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Cotabato City —

Nasabat ng mga awtoridad ang halos tatlong milyong pisong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes matapos abandonahin ang isang truck sa Barangay Kalanganan 2.


Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba hinggil sa isang pulang truck na umano’y nagkakarga ng mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes.


Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 3, katuwang ang CMFC, RMFB 14, at CIU ng Cotabato City Police Office.


Pagdating sa lugar, natagpuan ang abandonadong truck na may lamang pitumpung kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes, habang nakatakas na ang mga hindi pa nakikilalang suspek.


Sa beripikasyon, natuklasan ang mga reams ng sigarilyo na may tinatayang kabuuang halaga na ₱2,992,500.


Agad na isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang mga nasabing kontrabando at nakipag-ugnayan sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon ng mga ito.


Patuloy naman ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek at upang maisampa ang kaukulang kaso laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page