Halos ₱70-milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Tagbilaran City, Bohol; Dalawang suspek, kabilang ang isang high-value individual, arestado
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang halos pitumpung milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation.
Alas-onse ng gabi, Enero a-sais, ikinasa ang intelligence-driven buy-bust operation sa Barangay Dampas.
Dalawang indibidwal ang naaresto, kabilang ang isang high-value individual.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 10,285.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na tinatayang ₱69,942,080.00, kasama ang buy-bust money at iba pang non-drug items.
Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang lahat ng nasamsam na ebidensya, habang ang mga suspek ay agad na inilipat sa kustodiya ng Tagbilaran City Police Station para sa tamang disposisyon.
Nahaharap ang mga inarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments