iMINDSPH

Inilatag sa first quarter Regional Peace and Order Council meeting ngayong taon ang mga hamon sa seguridad lalo na sa Cotabato City, Maguindanao del Sur, Special Geographic Area at iba pang parte ng rehiyon, gayundin ang paghahanda sa Local at National Elections sa Mayo.

Isinagawa ang pulong, araw ng Miyerkules, a-26 ng Pebrero sa Office of the Chief Minister, Bangsamoro Government Center.

Pinangunahan ito ni Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Secretariat Head at MILG Minister na nilahukan ng government officials, law enforcement agencies, at iba pang stakeholders at inassess ang kasalukuyang peace and order situation sa rehiyon.

Naglatag din ng mga istratehiya upang tugunan ang iba’t ibang security concerns.

Comments