top of page

HANDA ANG BANGSAMORO GOVERNMENT Sa pakikiisa sa September 14, 2026 election sa rehiyon ayon kay ICM Abdulraof Macacua

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Malugod na tinanggap ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang pag-apruba ng Senado sa panukalang ilipat sa Setyembre 14, 2026 ang unang regular na parliamentary elections sa Bangsamoro.


Sa isang pahayag, sinabi ni ICM Macacua, ang halalang ito ay hindi lang aniya basta pagbabago ng petsa. Isa umano itong mahalagang hakbang sa tuluyang paglipat ng Bangsamoro mula sa pansamantalang pamahalaan patungo sa isang ganap na halal at demokratikong Parlamento.


Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bangsamoro sa Senado at sa mga sumuporta sa panukala dahil malaking tulong ito umano ito upang masiguro ang maayos at maihandang halalan.


Tiniyak din ng opisyal na handa ang Bangsamoro Government na makilahok sa eleksyon sa 2026 at gagawin ang lahat upang maging mapayapa, maayos, at kapani-paniwala ang proseso.


Sa huli, pagbibigay diin ni ICM Macacua, ang pinakamahalaga ay ang masiguro na ang boses at kagustuhan ng mamamayang Bangsamoro ang tunay na mananaig.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page