top of page

HANDA NA SA TRABAHO Ang 25 bagong electricians sa Kabuntalan, Maguindanao del Norte matapos ang mahigit 1 buwan na pagsasanay at makuha ang kanilang EIM NC II Certificate

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang Completion Ceremony ng dalawampu’t limang (25) trainees ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II mula sa Kabuntalan, Maguindanao del Norte, matapos ang mahigit isang buwang pagsasanay na nagsimula noong Nobyembre 24, 2025 at nagtapos noong Disyembre 29, 2025.


Sa loob ng mahigit isang buwan, nahasa ang mga kalahok sa tamang pag-install ng electrical wiring, wastong paggamit ng mga kagamitan, pagsunod sa safety procedures, at aktwal na aplikasyon ng kanilang mga natutunan.


Ang pagsasanay na ito ay naisakatuparan sa inisyatiba ng Local Government Unit ng Kabuntalan, katuwang ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office (MDN-PPO), sa pakikipagtulungan ng Regional Manpower Development Center (RMDC).


Ang sama-samang pagsisikap na ito ay patunay ng suporta sa pagpapalakas ng kasanayan at pagbibigay ng oportunidad sa komunidad.


Layunin ng programa na palakasin ang kasanayan ng mga trainee at ihanda sila para sa trabaho, self-employment, o sertipikasyon sa larangan ng electrical installation.


Nagbigay ng opisyal na pagbati ang RMDC sa lahat ng nagtapos bilang pagkilala sa kanilang pagsasanay at tagumpay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page