top of page

Harmony Learning Centena tututok sa “Children With Special Needs”, itatayo ng CFSI, MSSD At OCSWDO sa Children’s Park ng Cotabato City

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Malaking ang pasasalamat ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao sa Community and Family Services International, Ministry of Social Services and Development at sa Social Welfare and Development Office dahil masisimulan na ang konstruksyon ng Harmony Learning Center sa Children's Park.


Ang center ay tututok sa mga batang may espesyal na pangangailangan.


Inaasahan na matatapos ang proyekto sa loob ng apatnaput limang araw batay na rin sa utos ng alkalde upang agad na itong mapakinabangan.


Isa sa mga pangarap ng alkalde na ang bawat kabataan ay magkaroon ng pagkakataong mangarap at magbukas pa ng mga oportunidad na hindi limitado sa kanilang kakayahan.


Ayon sa LGU, ang pagkakaroon ng isang pasilidad na tulad ng Harmony Learning Center ay hindi lamang pisikal na istruktura, kundi simbolo ng malasakit at inklusibong pamamahala sa Cotabato City sa tulong ng mga ahensyang sumusuporta at naniniwala sa adhikain ng LGU.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page