Harvard National Model United Nations Conferenced, delegado ng bansa sa prestihiyosong pagtitipon ang tubong Cotabato City na si Datu Jamsheed Hisham Bandila
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Isa sa mahigit dalawang libong kalahok mula sa buong mundo at delegado ng Pilipinas sa ginanap na Harvard National Model United Nations Conference sa Boston, Massachusetts ang tubong Cotabato City na si Datu Jamsheed Hisham Bandila.
Isa sa naging bahagi ng presentasyon ni Bandila ay ang pagtatanggol sa posisyon ng Pilipinas kaugnay ng maritime disputes, partikular sa usapin sa West Philippine Sea.
Bukod sa pagiging delegado, ibinahagi rin ni Bandila ang organisasyong kanyang itinatag sa Cotabato City, ang Sinag Youth Philippines, na nagsimula bilang Sinag Cotabato City.
Nagbigay rin ng payo si Bandila sa mga kabataan na huwag matakot sumubok at tanggapin ang mga oportunidad na dumarating sa kanila.
Si Datu Jamsheed Hisham Bandila ay kasalukuyang nag‑aaral sa De La Salle–College of Saint Benilde at kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Diplomacy and International Affairs.
Mula Cotabato City hanggang sa isang pandaigdigang entablado sa Estados Unidos, ipinakita ni Datu Hisham Bandila na kayang makipagsabayan ng kabataang Pilipino sa international issues.
Bilang miyembro ng youth sector, isang patunay aniya na sa tamang paghahanda, tapang, at pagtanggap sa oportunidad, walang hangganan ang maaaring marating.



Comments