Hidwaan sa pagitan ng 2 grupo ng Moro Islamic Liberation Front sa Talayan, Maguindanao del Sur, tinuldukan na sa pangunguna ni Gov Datu Ali Midtimbang
- Teddy Borja
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na naayos ng 601st Brigade at Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front sa Talayan, Maguindanao del Sur.
Dinaluhan ito ni Governor Datu Ali Midtimbang at mga lokal na opisyal bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa para sa kapayapaan.
Ayon kay Governor Datu Ali Midtimbang, ang pagkakasundo ay simbolo ng pag-asa at pagtutulungan para wakasan ang alitan at simulan ang bagong yugto ng pagkakaisa.
Sinabi naman ni 601st Brigade Commander Brig. Gen. Edgar Catu na patuloy ang kanilang misyon na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan, katuwang ang lokal na pamahalaan at mga partner agencies.
Mensahe naman ni 6th Infantry Commander, Maj. Gen. Donald Gumiran na ang kapayapaan ay makakamtan lamang sa pagtutulungan ng buong bayan.
Umaasa naman ang military at Provincial Government na magtutuluy-tuloy na ang pagkakasundo ng dalawang grupo upang makapamuhay ng mapayapa ang kanilang komunidad.



Comments