HIGH LITERACY RATE SA SOUTH COTABATO Gov. Reynaldo Tamayo Jr: Yung mga matatanda na hindi marunong bumasa noon, talagang pinapapuntahan ko sa mga purok at sitio, pinapaturuan ko para talagang matuto
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Nakapagtala ang South Cotabato ng 93.7% sa Basic Literacy at 77.43% sa Functional Literacy sa pinakahuling ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) Functional Literacy, Education and Mass Media Survey.
Sa Basic Literacy, ito ay ang kakayahang bumasa, sumulat at umunawa ng simpleng mensahe, habang ang Functional Literacy naman ay ang kakayahang gamitin ang kaalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay
Hindi naman ikinagulat ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang datos. Aniya ang libreng edukasyon at pagtutok sa programa ang ilan sa mga dahilan ng mataas na literacy rate sa lalawigan.



Comments