top of page

HIGH-POWERED FIREARMAS, NASAMSAMSa operasyon ng militar at pulisya laban sa mga armadong grupo na nag-aaway sa Datu Piang, Maguindanao del Sur

  • Apr 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ang anim (6) na mataas na kalibre ng baril sa isinagawang joint AFP-PNP law enforcement operations sa Barangay Masigay, Datu Piang, Maguindanao del Sur, bandang alas-4:45 ng hapon ika-4 ng Abril 2026.


Kabilang sa mga narekober na armas ay isang (1) M60 machine gun, isang (1) M4A1 rifle, isang (1) M16 rifle, isang (1) M14 rifle, at dalawang (2) M653 rifles, bukod pa sa mga magasin at iba’t ibang uri ng bala kabilang ang 5.56mm at 7.62mm ammunition.


Isinagawa ang joint AFP-PNP law enforcement operations ng tropa ng 38th Infantry Battalion katuwang ang Datu Piang Municipal Police Station laban sa mga armadong grupo na nag-aaway at nagdulot ng kaguluhan sa lugar. Layunin ng operasyon na mapahupa ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan.


Ayon sa 601st Brigade ng Philippine Army, ang nasabing insidente ay kinasangkutan ng grupo ni alyas “Cmdr Mando Santukan” ng Task Force ITTIHAD at grupo ni alyas “Kob Silongan,” na nagkaroon ng palitan ng putok sa Sitio Tambua, Upper Masigay.


Ayon kay Brigadier General Edgar Catu, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, hindi umano nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan. Tutugisin umano ng mga sundalo at pananagutin sa batas ang lahat ng sangkot sa kaguluhan sa lugar.


Sinabi naman ni Major General Jose Valdimir Cagara, Commander ng 6ID/JTFC na, walang puwang aniya ang armadong karahasan. Paiigtingin umano ng 6th id ang operasyon upang agad mahuli ang mga responsable at mapanatili ang kaayusan sa komunidad at buong Central Mindanao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page