High-value drug suspect, arestado sa Isulan, Sultan Kudarat; Halos ₱459K na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang hinihinalang high-value drug personality matapos makumpiskahan ng halos ₱459K halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Isulan.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Pikoy”, 44 taong gulang, binata, self-employed at residente ng Barangay Improgo, Banga, South Cotabato. Siya ay itinuturing na High-Value Individual na sangkot sa ilegal na droga.
Sa isinagawang operasyon, narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang sampung sachet ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na may kabuuang bigat na 67.59 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱459,612.00.
Nasamsam din sa operasyon ang isang cellular phone, isang Yamaha YTX 125 na motorsiklo, at ang ₱1,000.00 buy-bust money.
Ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Isulan Municipal Police Station para sa dokumentasyon, inventory, at kaukulang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.



Comments