High-value drug suspect, arestado sa Mlang, Cotabato; Anim na sachet ng hinihinalang shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang hinihinalang high-value drug personality matapos makumpiskahan ng ilegal na droga sa ikinasang search warrant operation ng pulisya sa bayan ng Mlang.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Jon”, isang listed High-Value Individual.
Sa isinagawang search ng awtoridad, narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu.
Ang suspek ay dinala sa Mlang Municipal Police Station para sa dokumentasyon at booking. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility matapos sumailalim sa medical examination.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 upang isampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Kidapawan City.



Comments