top of page

High-value individual, arestado sa anti-illegal drug operation sa Maco, Davao de Oro; Hinihinalang shabu at iba pang gamit, nasamsam

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ng mga awtoridad ang isang high-value individual sa ikinasang anti-illegal drug operation ng awtoridad.


Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Daniel”, na itinuturing na High-Value Individual, dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakumpiska mula sa suspek ang ilang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang coin purse, cellular phone, lighter, at buy-bust money.


Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang lahat ng nasamsam na ebidensya.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maco Municipal Police Station ang suspek at ang mga ebidensya para sa wastong disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page