top of page

High-value individual, arestado sa buy-bust operation sa Davao City; Hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱95,200 at isang .38 caliber revolver, nasamsam sa operasyon

  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ng mga awtoridad ang isang high-value individual sa ikinasang drug buy-bust operation ng Davao City Police Office.


Nasamsam sa operasyon ang hinihinalang ilegal na droga at isang baril.


Naaresto ng awtoridad ang suspek na kinilala sa alyas na “Marvin”, isang high-value individual, sa isang ikinasang intelligence-driven buy-bust operation.


Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halaga na ₱95,200.00, at ang isang .38 caliber revolver, na walang kaukulang dokumento.


Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang mga nasamsam na ebidensya.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at posibleng karagdagang kaso kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng baril.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page