High-Value Individual, arestado sa buy-bust operation sa Marawi City, Lanao del Sur; ₱136,000 halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska
- Jan 9
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang High-Value Individual sa ikinasang intelligence-driven buy-bust operation ng pulisya matapos mahulihan ng mahigit ₱136,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Tomboy”.
Matagumpay na nabilhan ang suspek ng police poseur-buyer ng apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 20 gramo at tinatayang halaga na ₱136,000.
Nasamsam din mula sa suspek ang isang Php 1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Agad na dinala ang naarestong suspek sa Marawi CPS para sa dokumentasyon at kaakibat na legal na proseso.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments