High-value individual, naaresto sa buy-bust operation ng Cotabato City Police Office; Hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱700, nasamsam sa operasyon.
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ng awtoridad ang isang high-value individual sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Abs”, 39-anyos, hiwalay, at residente ng Kalanganan II, Cotabato City.
Sa operasyon, umano’y naaktuhan ang suspek na nagbenta ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.08 gramo, na nagkakahalaga ng ₱700.
Narekober mula sa suspek ang dalawang ₱50 na marked bills.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments