top of page

High-Value Individual, nasawi sa buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; P1.7 million halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patay ang isang High-Value Individual at nasamsam ng awtoridad ang 1.7 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation malapit sa MSU-Maguindanao Campus.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Dats”.


Isinagawa ang operasyon alas 2:50 ng hapon, araw ng Sabado, October 11.


Ayon sa awtoridad, sa kasagsagan ng operasyon, natunugan ng suspek na pulis ang kanyang ka-transaction, agad itong tumakas patungo sa direksyon ng school campus at pinaputukan umano ang operating team.


Dagdag ng awtoridad, gumanti ng putok ang operating team na nagresulta umano sa pagkamatay ng suspek. Nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan nito.


Narekober ng awtoridad ang limang heat-sealed sachets na naglalaman ng suspected shabu na tumitimbang ng tinatayang 250 grams.


Napasakamay din ang pitaka ng suspek, buy-bust money at tatlong fired cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa .45 caliber firearm.


Ang buy-bust operation ay sanib pwersa na isinagawa ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Maguindanao del Norte, 2nd Mobile Platoon, Provincial Mobile Force Company, at Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page