HIGH VALUE INDIVIDUAL, TIMBOG sa anti-illegal drug operation sa Cotabato City; Suspek, nahulihan ng hinihinalang shabu
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City pa rin—
Isang high-value individual ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ali,” 30 anyos at residente ng Rosary Heights 10.
Isinagawa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3, katuwang ang CPDEU at PDEA-BARMM.
Sa naturang operasyon, nakabili ang poseur buyer ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱680.
Agad na inaresto ang suspek matapos ang transaksyon, at sa isinagawang search, narekober ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.
Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at sasailalim sa medical at drug test habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanya.



Comments