top of page

High-value target at kasamahan nito arestado sa isinagawang joint anti-illegal drug operation ng awtoridad sa Kidapawan City

  • Teddy Borja
  • Aug 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang High-value Target at kasamahan nito sa ikinasang joint anti-illegal drug operation ng awtoridad.


Huli sa ikinasang joint anti-illegal drug operation si alyas "Tommy", 35 anyos, residente ng Purok 7, Barangay Nuangan, Kidapawan City at kasamahan nitong si alyas “Zaldy”, 21 taong gulang na nakatira sa Purok Singkato, Brgy. Birada, Kidapawan City.


Isinagawa ang operation alas 8:33 ng hapon, a bente 27 ng Agosto.


Nasamsam ng awtoridad ang 13 heat-sealed plastic sachets naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 20 grams at nagkakahalaga ng Php 136,500.00, isang marked money na 500 peso bill at isang improvised glass tooter.


Ang mga nahuling indibidwal ay haharap sa kasong Violation of Sections 5, 11, and 12, Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page